Palasyo sa Kamara: Bahala na kayo sa impeachment complaint vs SC Justice Marvic Leonen!

Dumistansiya ang Malakanyang sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na tinatalakay ngayon sa Mababang Kapulungan.

 

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, nakasaad sa Saligang Batas ang Kamara ang may hurisdiksyon sa reklamo laban sa mahistrado.

 

Diin niya makakabuti kung hahayaan na lang ang Kamara na gawin ang nararapat alinsunod sa proseso na itinakda ng Saligang Batas.

 

Magugunita na nai-refer na sa House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Leonen.

 

Kaugnay ito sa reklamo sa kanya na matagal na pagpapalabas ng resolusyon sa mga kaso at ito ay maituturing na betrayal of public trust.

 

Read more...