Isyu ng pakikipag-agawan ng teritoryo sa China, napag-usapan nina Pangulong Duterte at Japan PM Suga

MALACANANG PHOTO

Tinalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang isyu sa South China Sea nang magkausap ang dalawang pinuno kagabi sa pamamagitan ng telepono.

Ayon sa Pangulo, kailangan maitaguyod ang maayos na settlement sa usapin sa agawan ng teritoryo sa South China Sea dahil hindi kakayanin ng isang bansa kung magkakagulo sa Asia Pacific region.

Bukod sa South China Sea, pinag-usapan din ng dalaaa ang sea piracy at terorismo.

Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng kooperasyon para sa pagtataguyod ng domain awareness, maritime security and safety, freedom of navigation and overflight at maritime connectivity at commerce.

Nagpahayag naman ng pagkabahala  si Suga sa mga nangyayari sa East at South China Seas.

Read more...