Mga opisyal ng sequestered companies hindi obligadong maghain ng SALN-DOJ

By Jay Dones April 18, 2016 - 04:47 AM

 

DOJ-660x495Hindi obligadong maghain ng kanilang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ang mga opisyal o executives ng mga kumpanyang sequestered ng pamahalaan.

Ito ang legal opinion ni Justice Secretary Emmanuel Caparas bilang tugon sa paghingi ng abiso ng Philippine Commission on Good Government o PCGG ukol sa isyu makaraang atasan ng Ombudsman ang general amanger ng isa sa mga kumpanyang nasa ilalim ng IRC Group of Companies na maghain ng SALN.

Ang IRC Group ay mga kumpanyang isinuko sa gobyerno ng yumaong si Jose Y.Campos na umamin na isa siyang Marcos crony.

Sa legal opinion ni Caparas, sinabi nito na ang mga korporasyon na bahagi ng IRC ay hindi maituturing na government owned and controlled corporation kaya’t hindi maituturing na mga public officials o empleyado ang mga kawani nito.

Dahil dito, hindi aniya naga-apply ang requirement na pagsumitehin ng SALN ang mga opisyal ng mga naturang kumpanya.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na dati nang tinukoy ng PCGG na ‘real estate and investment’ ang negosyo ng mga IRC companies at hindi sangkot sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.