Karagdagang kalahating milyong Sinovac doses dumating

Sinalubong ngayon umaga ni Health Secretary Francisco Duque III ang karagdagang 500,000 doses ng COVID 19 vacccines.

Lumapag sa NAIA Terminal 2 ang mga bakuna na mula Sinovac Biotech sa China sakay ng isang chartered flight ng Cebu Pacific ala-7:35.

Sa kabuuan, 5.5 million doses na ng Sinovac vaccine ang dumating sa bansa simula noong Pebrero 28, kung kalian dumating ang 600,000 doses na donasyon ng China gayundin ang dumating na 400,000 doses noong Marso 24.

Nakatanggap na ang bansa ng kabuuang higit 7,7 million doses ng Sinovac, AstraZeneca at Pfizer vaccines.

Higit 3.2 milyon na sa bansa ang nabakunahan, 768,000 sa kanila ang natapos na sa kanilang second dose.

Inanunsiyo ng gobyerno na pipilitin na mabakunahan ang 58,000 Filipino bago ang pagpasok ng bagong taon para maabot ang ‘herd immunity.’

Read more...