Pag-amyenda sa Retail Liberalization Act lusot na sa Senado
Walang senador ang tumutol sa pagpasa sa third and final reading ng panukala na magbubukas pa ng retail sector ng bansa sa mga banyagang kompaniya.
Sa botong 20-0-0, sumang-ayon ang mga senador sa Senate Bill No, 1840 na layon amyendahan ang Retail Liberalization Act, na dalawang dekada nang ipinatutupad.
Nakasaad sa panukala ang minimum paid-up capital ng P50 milyon para sa mga banyagang negosyante na nais pumasok sa retail trade business sa bansa.
Sa umiiral na batas ang required minimum capital ay $2.5 million o ang katumbas nito sa pera ng bansa.
“We are liberalizing it, but not too low, so that the competition will be at the medium level…plus that you want to attract quality,” sabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
Nakasaad din sa panukala na ang papapasukin na mga banyagang mamumuhunan ay mula sa mga bansa na pinapayagan din ang pagpasok ng Filipino retailers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.