Siyam na PBA team, nakatakdang mag-ensayo sa Batangas City

Bubuksan ang ilang gym sa Batangas City para sa PBA team trainings.

Base sa website ng PBA, gagawin ang training sa Batangas Coliseum, Batangas State U Gym at Lyceum-Batangas Gym.

Isinailalim sa cleaning at disinfection process ang mga gym bago ang training.

Isasagawa rito ang istriktong home-venue-home setup ngunit may opsyon sila na pansamantalang patirahin ang mga manlalaro sa malalapit na hotel.

Kasama rito ang lahat ng PBA team maliban lamang sa mga nasa ilalim ng MVP Group.

Pinili ng Meralco at TNT Tropang Giga na magsagawa ng bubble training sa Laoag City, Ilocos Norte.

Gagawin naman ng NLEX ang kanilang training na may closed-circuit setup sa Clark, Pampanga.

Read more...