Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na makipag-ugnayan sa Department of Health at local government units (LGUs) para sa mabilis na pagpapadala ng mga bakuna kontra COVID-19 sa iba’t ibang probinsya.
“Given the President’s directive, our ultimate goal is to ensure that the vaccines reach local governments as quickly as possible in good condition and that these vaccines are immediately utilized for inoculation,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año.
Kritikal aniya ang pagsisiguro na magiging mabilis ang pagpapadala ng mga bakuna sa target ng gobyerno na umabot sa apat na milyon ang bilang ng mabakunahan sa pagtatapos ng Hunyo.
Target aniyang umabot sa 120,000 katao ang mabakunahan sa National Capital Region sa loob ng isang araw.
“We really need not only to ramp up the vaccination efforts in LGUs, but also to ensure that more vaccines reach more provinces to meet our overall target,” paliwanag ng kalihim.
Mahigpit aniyang tututukan ng kagawaran ang vaccination performance ng bawat LGU at tatawagin ang kanilang atensyon kapag nagkukulang.
“In coordination with the DOH, we will closely monitor the performance of the LGUs and we will require daily reports from them to ensure that they are meeting their targets,” ani Año.
Hinikayat din nito ang lahat ng LGU na istrikstong sundin ang vaccine monitoring measures para sa COVID-19 vaccines.
“We cannot afford to waste any COVID-19 vaccine, given how precious these are, so I am counting on our PNP and BFP personnel to assist our LGUs in the safe and fast delivery of vaccines in various parts of the country,” aniya pa.