Sunog sa residential area sa bahagi ng Brgy. San Miguel, Pasig City kontrolado na

By Angellic Jordan May 19, 2021 - 08:52 PM

Photo grab from Pasig City DRRMO Facebook video

(UPDATED) Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa bahagi ng Barangay San Miguel sa Pasig City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office, apektado ng sunog ang bahagi ng Tambakan 2 Market Avenue corner M. Eusebio.

Narito ang video ng Pasig City DRRMO na kuha ng Pasig City Drone Team sa sunog:

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa nasabing lugar.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire under control ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang 9:47 ng gabi.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng pagsiklab ng sunog sa nasabing lugar.

Humiling naman ng panalangin si Mayor Vico Sotto ukol sa insidente.

“Malaki po ang sunog sa Tambakan San Miguel. At the scene po ang mga bumbero. Pls pray,” saad ng alkalde sa kaniyang Facebook account.

TAGS: Barangay San Miguel fire, Inquirer News, Pasig fire, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, Vico Sotto, Barangay San Miguel fire, Inquirer News, Pasig fire, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.