2 timbog sa buy-bust ops sa Tagbilaran City, Bohol

PDEA RO7 photo

Arestado ang isang target-listed drug personality at nurse sa buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol Martes ng gabi.

Ayon sa PDEA RO7, isigawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Dao dakong 6:00 ng gabi.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa target-listed drug personality na si Limar Epong, 29-anyos; at lisensyadong nurse na si Jay Edwin Flor, 47-anyos.

Nakumpiska sa dalawa ang 11 packs ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang gramo na nagkakahalaga ng P13,600.

Maliban dito, nakuha rin ang ginamit na buy-bust money, cell phone, ilang drug paraphernalia, at ilang walang laman na pakete na may bakas ng hinihinalang shabu.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Read more...