Magtataguyod ng sariling ‘dog academy’ ang Civil Aviation of the Philippines o CAAP upang magsanay ng mga mga bomb-sniffing dog na magbabantay sa 44 na paliparan sa bansa.
Balak itong ilagay sa Butuan Bancasi airport sa Agusan Del Norte.
Sa ika-38 na management meeting sa Butuan City, inanunsyo ni CAAP Director General William Hotchkiss III na naging matagumpay ang inisyatibo ni Area 12 manager Evangeline Daba na mag-recruit ng sampung bomb-sniffing at narcotics detecting na mga aso.
Dahil aniya dito, maraming mga LGU ang kumikilala sa hakbang na ito.
Naniniwala si Hotchkiss na magiging positibo ang hakbang upang mapalawig pa ang pagbabantay sa seguridad sa mga paliparan gamit ang mga K-9 units.
Bukod sa droga at bomba, balak din nilang sanayin ang mga aso upang itaboy ang mga ibon sa loob ng paliparan at maiwasan ang mga insidente ng ‘bird strike’ sa mga eroplano.