ITCZ, Easterlies umiiral pa rin sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang pagsasalubong ng hangin mula sa Northern at Southern Hemisphere at Easterlies sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, partikular na apektado ng ITCZ ang bahagi ng Visayas, Palawan at Mindanao.

Bunsod nito, patuloy pa ring iiral ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nasabing rehiyon.

May posibilidad aniyang makaranas ng malakas na thunderstorms na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, naging mainit at maalisangan pa rin ang panahon sa Luzon dahil naman sa Easterlies.

Hanggang Miyerkules ng gabi, sinabi ni Rojas na maaring makaranas ng thunderstorms sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa ngayon, walang namamataang posibleng mabuo o pumasok na bagyo sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...