VP Leni Robredo, naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine

By Angellic Jordan May 19, 2021 - 02:40 PM

Photo credit: VP Leni Gerona Robredo/Facebook

Naturukan na si Vice President Leni Robredo ng unang dose ng COVID-19 vaccine, araw ng Miyerkules (May 19).

Ayon kay Robredo, “Now being monitored. Everything has been seamless.”

AstraZeneca ang itinurok na bakuna kay Robredo.

Nagpa-book aniya siya ng appointment sa QC Protektodo site sa pamamagitan ng EZ Consult noong May 13, 2021.

Labing-walo  aniya sila mula sa Office of the Vice President na nagpabakuna na kabilang sa A3 category ng vaccination priority list.

Nagpasalamat si Robredo sa vaccination team sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.

Maayos aniya ang proseso ng pagbabakuna sa nasabing lugar.

“Magbakuna na din kayo para protektado kayo at ang lahat ng nakakasalamuha niyo. Tingnan niyo yung group pic namin. Maraming takot sa umpisa pero may konting yabang na nung nagpakuha ng litrato😘,” saad pa ni Robredo.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Robredo 1st COVID-19 vaccine, VP Leni Robredo, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Robredo 1st COVID-19 vaccine, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.