P3,000 allowance sa qualified public school students ng Pasay City LGU ipinamahagi
By Jan Escosio May 19, 2021 - 12:54 PM
Sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pasay ng P3,000 para sa lahat ng kuwalipikadong public school students ng lungsod.
Ang halaga ay para sa allowance ng mga estudyante noong Oktubre hanggang Disyembre.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang January – March allowance ng mga estudyante ay inihahanda na para maipamahagi.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano ang cash aid ay maliit na tulong sa mga estudyante at magulang para pandagdag sa mga gastusin sa pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.