Sen. Ping Lacson pabor na ibenta ang ‘cash cow assets’ ng gobyerno

Vials of Johnson & Johnson’s Janssen coronavirus disease (COVID-19) vaccine candidate are seen in an undated photograph. Johnson & Johnson/Handout via REUTERS.

Makakabuti na piliin ng husto ng gobyerno ang mga ari-arian na maaring ipagbili para pondohan ang vaccine rollout.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson dahil aniya may mga ari-arian na patuloy lang na tinutustusan ng gobyerno at hindi napapakinabangan.

Aniya ang mga ito ang mga ari-arian na ‘ginagatasan’ ng mga tiwaling opisyal o hindi maayos na napapalakad.

Kailangan aniya na magsagawa muna ng imbentaryo at audit sa mga ari-arian para maiwan ang mga napapakinabangan.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi napapanahon na magbenta ng ari-arian ang gobyerno gaya ng inanunsiyo ni Pangulong Duterte.

Diin niya dapat ay mag-concentrate na lang sa ikinakasang vaccination rollout.

Read more...