Nasa isolation wards ngayon ng mga ospital sa Singapore ang may 35 Filipino na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Jose Yap, binabayaran ng gobyerno ng Singapore ang hospital confinement ng mga Filipino.
Ibinahagi ni Yap na 578 Filipino na sa Singapore ang tinamaan ng nakakamatay na sakit at wala pang naitatalang namatay.
“Here in Singapore, the government actually takes care of all the COVID cases. If you test positive, the government will bring you to the hospital or to an isolation ward and if you’re a long-term pass holder, meaning you have a permit to stay in Singapore, the government actually takes care of all the expenses for your treatment in the hospital. So, in terms of expenses, we don’t have to worry for our kababayans for that, the government of Singapore takes care of that,” sabi ni Yap.
Sinabi pa ng opisyal na regular silang nagpapalabas ng mga abiso para sa mga Filipino sa Singapore sa pamamagitan ng embassy website at social media account.
Mula noong nakaraang taon, 61,651 COVID 19 cases ang naitala sa Singapore, 61,134 ang gumaling, samantalang may 31 na namatay.