Sen. Imee Marcos dinipensahan ang panukalang dagdagan ang election budget ng mga kandidato, political party

By Jan Escosio May 19, 2021 - 11:57 AM

 

Tumanggap ng mga tanong at paglilinaw mula sa kanyang mga kapwa senador si Senator Imee Marcos kaugnay sa Senate Bill No, 810 o ang An Act Increasing the Authorized Expenses of Candidates and Political Parties.

Sinabi ni Marcos layon ng batas na dalhin sa realidad ang paggasta ng mga kandidato at partido politikal sa panahon ng pangangampaniya.

Banggit niya, ang P3 kada botante na limitasyon sa paggasta ng kandidato ay tatlong dekada nang umiiral at bago pa man maisabatas ang Fair Election Act.

Paliwanag niya, sa panukala ay nais na maitaas na sa P50 kada botante ang maaring gastusin ng mga kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Pagtaas sa P20 mula sa P3 sa mga tatakbo sa ibang posisyon; P30 para sa independent candidates at mula P5 ay tataas sa P30 ang maaring gastusin ng isang political party.

Naniniwala si Marcos kapag naisabatas ang panukala ay mababawasan na ang electoral protests kaugnay sa ‘overspending,’ ‘underreporting ‘ at maging ang pagkakaroon ng ‘nuisance candidates.’

TAGS: campaign expenditures, Candidates, political party, Sen. Imee Marcos, campaign expenditures, Candidates, political party, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.