Panukalang bigyan proteksyon ang mga bata sa online pornography nasa plenaryo na ng Senado
Inisponsoran na ni Senator Risa Hontiveros sa plenaryo ang isinusulong na Senate Bill No. 2209 o ang Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law.
Paliwanag ni Hontiveros layon ng batas na mas mabigyan ng angkop na depinisyon at pagpaparusa ang online child abuse, hiwalay sa mga paglabag sa RA 7610 at RA 9208.
Dagdag pa niya bibigyan karagdagang dahilan pa nito ang awtoridad sa paghahabol sa mga sangkot sa online child pornography.
Bukod pa diyan, ayon pa kay Hontiveros, bibigyan din nito ng karagdagang responsibilidad ang internet intermediaries, kasama na ang mga social media networks tulad ng Facebook para agad maalis at maharang ang child sexual abuse o exploitation materials sa loob ng 24 oras.
Magkakaroon din ng responsibilidad ang social media networks na ipreserba ang mga malalaswang materyales para magamit na ebidensiya sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.
Nabanggit ni Hontiveros sa kanyang sponsorship speech na base sa 2016 United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) report, napabilang ang Pilipinas sa Top 10 ng mga bansa na nagpapalabas ng child sexual abuse and exploitation materials.
Dagdag pa niya ang mga kaso ng OSAEC sa bansa ay sumirit ng 246.6 porsiyento sa gitna ng lockdown mula sa Marso hanggang Mayo ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.