Delivery boy, binaril ng riding-in-tandem sa mukha

PHOTO: Chona Yu

Isang lalaki ang binaril sa mukha ng riding-in-tandem sa Airport Road corner Vito Cruz, Brgy. Baclaran, Paranaque City.

Nakilala ang biktima na si Sonny Milan, 25 anyos, delivery boy ng tubig.

Ayon kay Delfin Milan, tiyuhin ng biktima, wala namang kaaway ang kanyang pamangkin.

Hindi rin aniya sangkot sa ilegal na droga ang biktima.

Nabatid na bagong lipat lamang sa barangay ang biktima.

Sinabi naman ni Ricardo Lapira, Brgy. Executive Officer ng Brgy. Baclaran na isang basyo ng bala ng kalibre 45 ang nakuha sa crime scene.

Agad namang tumakas ang nga suspek

Dinala  ang biktima sa Ospital ng Paranaque pero inilipat sa Philippine General Hospital.

Read more...