Mga barko ng Pilipinas patuloy na magpapatrulya sa West Philippine Sea

By Chona Yu May 19, 2021 - 08:22 AM

Hindi iaatras ng Pilipinas ang mga barko sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng tensyon sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili kung saan ngayon ang mga barko ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Patuloy aniyang igigiit ng Pilipinas ang mga karapatan sa West Philippine Sea.

Hindi aniya kailaman yuyuko ang Pilipinas sa China.

Sabi ni Roque, may prinsipyo at paninindigan  ang mga Filipino para sa Inang Bayan.

Pero ayon kay Roque, dapat pa rin idaan ito sa maayos na usapan at diplomasya.

“We will not waiver in our position. Ang Pilipino ay may prinsipyo at mayroong paninindigan lalo na para sa Inang Bayan. And at the same time, we must be willing to do what we can as responsible members of the international community to resolve disputes peacefully,” saad ni Roque.

 

TAGS: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, philippine coast guard, philippine navy, Sec. Harry Roque, West Philippines sea, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, philippine coast guard, philippine navy, Sec. Harry Roque, West Philippines sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.