Sa ‘rape’ joke: ‘Ganoon lang talaga ako magsalita’-Duterte

By Isa Avendaño-Umali April 18, 2016 - 12:03 AM

 

Inquirer file photo

Dinipensahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang sarili, kaugnay sa kontrobersyal niyang ‘rape joke’ na patuloy na umaani ngayon ng batikos.

Ayon kay Duterte, isang cliché ang kanyang naging pananalita at ganoon lamang talaga siyang magsalita bilang galing siya sa baba, at dahil ‘hindi naman daw siya anak ng conyo.’

Dagdag ni Duterte, ‘sorry’ raw kung hindi nagustuhan ng iba ang kanyang pahayag sa viral video.

Pero sa katunayan ay galit siya habang inaalala ang insidente ng panggagahasa at pagpaslang ng mga preso sa Australian lay missionary.

Sa gitna ng mga nakukuhang puna, sinabi ni Duterte na handa siyang matalo sa pampanguluhang halalan dahil sa kanyang ‘rape joke.’

Ayon kay Duterte, wala raw siyang pakialam kung makaapekto sa kanyang Presidential bid o mawala ang ilang supporters niya dahil sa naging pahayag niya ukol sa isang Australian lay missionary na ginahasa.

Muli, hindi naman daw siya mamamatay sakaling matalo sa halalan sa Mayo.

Sa panig naman ng katambal ni Duterte na si Senador Alan Peter Cayetano, isa aniya ‘advocate for women’ ang alkalde.

Ayon kay Cayetano, sa katunayan ay inalok pa raw ni Duterte ang kanyang sarili bilang hostage noong 1989 incident.

Pero higit sa lahat, ani Cayetano, isinusulong ni Duterte ang ilang woman development code sa Davao City, bukod pa sa pinabawal nito ang pagsusuot ng bathing suits ng mga kandidato sa mga beauty pageants.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.