Sa datos ng PAGASA, umabot sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan (11:00 ng umaga), Sangley Point, Cavite (2:00 ng hapon) at sa Laoag City, Ilocos Norte (2:00 ng hapon).
Naitala naman ng 45 degrees Celsius na heat index sa Catbalogan, Western Samar bandang 2:00 ng hapon.
Nasa 44 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)
Samantala, naitala ang 43 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na lugar at oras:
– San Jose, Occidental Mindoro (11:00 ng umaga)
42 degrees Celsius naman ang naitala sa mga sumusunod:
– Coron, Palawan (11:00 ng umaga)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (11:00 ng umaga)
Sa Puerto Princesa City, Palawan 41 degrees Celsius naman ang heat index dakong 11:00 ng umaga.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.