Brussels airport, babalik na sa normal na operasyon sa buwan ng Hunyo

By Mariel Cruz April 17, 2016 - 05:02 PM

 

brussels airportMagbubukas at babalik na sa normal na operasyon ang Brussels airport sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ito ang pahayag ng chief executive ng airport na si Arnaud Feist.

Pansamantalang isinara at itinigil ang operasyon ng Brussels airport sa loob ng labing dalawang araw matapos magdulot ng matinding pinsala ang naganap na suicide bombing sa departure hall na ikinamatay ng labing anim na katao.

Ayon kay Feist, basic service ang kanilang paiiralin sa muling pagbubukas ng airport at ang ilang pasilidad dito ay hindi pa fully renovated.

Simula aniya sa susunod na buwan, bubuksan na nila ang isandaan na check-in counters sa bahagi ng departure halls na napinsala ng pagpapasabog.

Matapos ang labing dalawang araw, pansamantalang binuksan ang airport ngunit nagsilbing check-in facility ang dalawang malaking puting tent kung saan 20 percent ng kanilang mga biyahe ang nag-operate ng normal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.