Apela ni Pangulong Duterte, huwag maging ‘choosy’ sa brand ng COVID-19 vaccine

By Chona Yu May 18, 2021 - 01:36 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag nang mamili o huwag nang maging ‘choosy’ sa brand ng mga bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ng Pangulo, lahat ng bakuna na nasa Pilipinas ay ligtas at epektibo.

Pagtitiyak ng Pangulo, walang diskriminasyon sa pagbabakuna.

Ayon sa Pangulo, kung ano ang bakunang nasa harapan ng isang indibidwal, dapat na itong tanggapin at hindi na mamili pa.

“Hindi ba sinabi ko sa iyo there will be no discrimination at saka hindi kayo makapili kung ano ang bakuna. Pareho lahat ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Mahirap man o mayaman, mababakunahan.

“Kung ano ang nasa harap ninyo, ke mamilyonaryo ka o mahirap ka, iyon na iyong iyo. Wala ka ng ma… Hindi ka mamili. Ang mamili si Secretary Galvez. And Secretary Galvez will make the distribution with a blind eye sa brand,” pahayag ng Pangulo.

Kabilang sa mga bakuna na nasa Pilipinas ang Sinovac, Pfizer, AstraZeneca at Sputnik V.

“Kung mahirap ka man o mayaman, kung gusto mo, pumunta ka doon sa vaccination sites. If you are there in that community, go there and have yourselves vaccinated by any of the vaccines available. They are all potent. They are all effective. So wala — there’s no reason for you really to be choosy about it. The only reason is ayaw kong magkaroon ng — magkaroon ng ano ‘yong istorya na may pinapaboran kami na itong ito. Wala. Taga — maski saang subdivision ka na mayaman o ‘yan diyan ka man sa… Ano itong lugar dito sa North Harbor? Pareho kayo lahat. Walang — walang — no — walang — hindi ako papayag na magpili-pili. Kung ano ‘yong nasa harap mo, ‘yon na. Pareho — pareho lang ‘yan lahat,” pahayag ng Pangulo.

Nasa 7.7 milyong doses na ng bakuna ang nasa Pilipinas.

TAGS: AstraZeneca, Inquirer News, pfizer, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Inquirer News, pfizer, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sinovac, Sputnik V

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.