Poe at Roxas kay Duterte: “Seryosong krimen ang rape”

By Isa Avendaño-Umali April 17, 2016 - 04:19 PM

 

Galit si Senadora Grace Poe sa pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa Australian na biktima ng rape sa Davao.

Sa isang statement na pinadala sa media, sinabi ni Poe na magaspang at hindi katanggap tanggap ang pahayag ni Duterte.

Ani Poe, ang sinabi ni Duterte ay nagpapakita ng kanyang kawalan ng paggalang sa mga kababaihan.

Paalala ni Poe, ang rape ay isang krimen at walang nakakatawa rito, kaya dapat mapoot sa lahat ng pang-aabuso sa mga kababaihan.

Dagdag ng senadora, dapat paalalahanan si Duterte na kailangang tratuhin nang may respeto at dignidad hindi lamang ang mga kababaihan, kundi ang mga kalalakihan at LGBT sa lahat ng oras.

Sa hiwalay na reaksyon ni Liberal Standard Bearer Mar Roxas, sinabi nito na seryosong problema ang rape.

Ang sinuman aniya na tumatawa sa anumang assault sa dignidad ng mga babae ay hindi dapat mag-upo sa pwesto.

Sinabi pa ni Roxas na “ang mga babae ay may karapatan, hindi pinaglalaruan.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.