Nagta-trabaho ng 55 oras higit pa sa isang linggo delikado sa sakit sa puso, stroke

By Jan Escosio May 18, 2021 - 08:54 AM

 

Nadadagdagan ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso at ma-stroke ang mga nagta-trabaho ng higit sa 55 oras kada linggo, base sa pag-aaral ng World Health Organization at International Labour Organization.

Isinagawa ang pag-aaral dahil sa mga pagbabago sa trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang pag-aaral ang kauna-unahan na isinagawa sa buong mundo at ito ay nalathala na sa Environment International Journal.

“Working 55 hours or more per week is a serious health hazard,”, climate change and health department. It’s time that we all — governments, employers, and employees — wake up to the fact that long working hours can lead to premature death,” sabi ni Maria Neira, director ng WHO – Environment, Climate Change and Health Department.

Base sa pag-aaral, ang pagta-trabaho ng 55 oras o higit pa kada linggo ay nagdudulot ng karagdagang 35 porsiyento na ma-stroke at 17 porsiyentong pagtaas sa posibilidad na mamatay dahil sa ischemic heart disease kumpara sa nagta-trabaho lang ng 35 – 40 oras.

Mas mataas ang posibilidad din ng pagkakaroon ng stroke at sakit sa puso sa mga lalaki.

Sa pagtataya ng WHO at ILO, noong 2016, 398,000 ang namatay dahil sa stroke at 347,000 ang dahil sa sakit sa puso bunga ng pagtatrabaho ng 55 oras o higit pa kada linggo.

TAGS: 55 oras kada linggo, International Labour Organization, Maria Neira, serious health hazard, stroke, World Health Organization, 55 oras kada linggo, International Labour Organization, Maria Neira, serious health hazard, stroke, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.