Isang libong pamilya, nawalan ng tahanan sa sunog sa Navotas

By Mariel Cruz April 17, 2016 - 04:11 PM

 

fire-defaultHindi bababa sa isang libong pamilya sa isang residential area sa Tanza, Navotas City ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng malawakang sunog ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, naitala ang sunog sa bahagi ng Sampaguita Street, at umakyat pa sa Task Force Bravo.

Nakarinig din ng pagsabog ng LPG sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero, gayunman, makapal ang apoy at usok.

Kinailangan pa ng chopper ng Philippine Air Force para makapagdala ng tubig sa nasusunog na mga bahay. Dakong 1:55 ng hapon nang ideklarang fire-out ang sunog na nakatupok ng limang daang bahay.

Samantala, isa pang hiwalay na insidente ng sunog ang naganap sa Sta. Cruz, Maynila.

Ini-akyat sa Task Force Alpha ang sunog. Inaalam pa kung ilang bahay at residente ang apektado.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.