Dating Pangulong Marcos hindi rin pinabili ng armas sa Amerika dahil sa human rights issue

Gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinarang din noon si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pagbili ng armas sa Amerika dahil sa isyu ng human rights violation sa bansa.

Ayon kay dating Senador Juan Ponce Enrile, hindi na bago ang ginawa ng Amerika kay Pangulong Duterte dahil noon pa man, ginawa na kay Marcos.

Hinarang ng mga mambabatas ang pagbili ng armas ng Pilipinas sa Amerika dahil nauwi na umano sa human rights violation ang anti-drug war campaign ng punong ehekutibo.

Bibili sana ang Pilipinas ng 26,000 assault rifles para sa Philippine National Police.

Inimbita ni Pangulong Duterte si Enrile sa Malakanyang kagabi, Mayo 17 para magsalita sa usapins a West Philippine Sea.

 

 

Read more...