LOOK: Sarimanok-inspired evening gown ni Rabiya Mateo

By Angellic Jordan May 17, 2021 - 01:45 PM
Photo grab from Furne Amato/Instagram

“Like a phoenix, on your own pace and time, you will soar high”

Ito ang bahagi ng caption ng Instagram post ni Dubai-based Filipino fashion designer Furne Amato ukol sa Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sa post, makikita ang pagsuot ng 24-anyos na beauty queen sa ginawa nitong evening gown para sa 69th Miss Universe coronation night.

Ani Amato, hango sa Sarimanok ang naturang gown.

Ang closed necked haltered gown ay mayroon aniyang hyacinth Swarovski crystals, glass beads at paillettes.

Paliwanag ng designer, ipinapahayag ng kulay orange o kahel ang kapayapaan at tagumpay na naglalarawan sa mga kababaihan sa panahon ngayon.

Maliban dito, nirerepresenta rin aniya ng kulay kahel ang tuwa, kaligayahan at creativity.

Sinabi naman ni Amato na proud pa rin siya kay Mateo.

Si Mateo ay umabot sa Top 21 ng presitihiyosong beauty pageant.

TAGS: 69th Miss Universe, Furne Amato gown, Inquirer News, lifestyle, Miss Universe 2020, Rabiya Mateo, Rabiya Mateo evening gown, Radyo Inquirer news, Sarimanok gown, 69th Miss Universe, Furne Amato gown, Inquirer News, lifestyle, Miss Universe 2020, Rabiya Mateo, Rabiya Mateo evening gown, Radyo Inquirer news, Sarimanok gown

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.