Mayor Moreno, inaprubahan ang allowance para sa UdM college students

Inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng allowance para sa ilang estudyante ng Universidad de Manila (UdM) na residente ng lungsod.

Pinirmahan ng alkalde ang mga dokumento para sa ilalabas na P16,801,000 fund, araw ng Lunes, May 17.

Nasa 8,336 UdM students ang kwalipikado sa amelioration program ng Manila LGU para sa buwan ng Abril at Mayo.

Bawat estudyante ay tatanggap ng P2,000.

P1,000 allowance kada buwan ang matatanggap ng bawat estudyante.

Read more...