Pfizer, Moderna dapat pag-aralan para maging booster shot ng mga nabakunahan ng Sinovac, AstraZeneca

By Erwin Aguilon May 17, 2021 - 07:03 PM

Hiniling ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na pag-aralan ng pamahalaan ang paggamit sa Pfizer at Moderna bilang booster shot sa mga PIlipinong nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca.

Partikular na pinakikilos dito ang Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), at Food and Drug Administration (FDA) para pag-aralan ang booster shot ng Pfizer at Moderna.

Ayon kay Herrera, ang ibang regulatory agencies at vaccine experts sa ibang bansa ay isinasailalim na sa clinical trials ang Pfizer vaccine para suriin ang efficacy nito bilang booster shot sa mga taong naturukan na ng ibang COVID-19 vaccine.

Ilan sa mga bansa na nasa ilalim na ng pag-aaral na ito ang Estados Unidos, United Kingdom, Spain at India.

Mainam aniya na pag-aralan na rin ng mga siyentistang Pilipino ang posibilidad sa paggamit ng Pfizer at Moderna booster shots para madagdagan ang naibibigay na proteksyon partikular sa healthcare frontliners.

Malaki aniya ang potensyal na maitutulong ng booster shot sa mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine dahil sa dumarami ang suporta mula sa vaccine science community at makakatulong ito para mapahaba ang bisa ng bakuna laban sa mga nagsulputan ngayon na bagong variants ng sakit.

TAGS: 18th congress, AstraZeneca, Inquirer News, Moderna as booster shot, Pfizer as booster shot, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, Sinovac, 18th congress, AstraZeneca, Inquirer News, Moderna as booster shot, Pfizer as booster shot, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.