Palasyo, tiniyak na makakatanggap din ng COVID-19 vaccines ang mga lugar na nasa MGCQ

By Angellic Jordan May 17, 2021 - 05:00 PM

Photo credit: @ntfcovid19ph/Twitter

Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na mabibigyan din ng COVID-19 vaccines ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ay kahit na binibigyang prayoridad ang mga itinuturing na ‘COVID-19 hotspots’ para sa vaccination program sa bansa.

Umapela kasi ang League of Provinces of the Philippines sa gobyerno na magpadala ng mas marami pang bakuna sa mga probinsya.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat ikabahala dahil ang pagkakaroon ng focus area ay hindi nangangahulugan na hindi na makakakuha ng bakuna ang nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nasa 58 porsyento aniya ng kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines sa bansa ang ipamamahagi sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

42 porsyento naman ang ipapadala sa Metro Manila, Metro Cebu at Davao, at anim pang probinsya.

Ani Roque, sinabi ng mga eksperto na magkakaroon ng impact ang vaccination kapag naturukan ang 35 porsyento ng kabuuang populasyon.

Sa ngayon, hindi pa aniya ito naaabot ng bansa.

TAGS: COVID-19 vaccination, COVID-19 vaccine distribution, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, COVID-19 vaccination, COVID-19 vaccine distribution, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.