Publiko, muling binalaan ng DSWD laban sa pekeng Facebook accounts

By Angellic Jordan May 17, 2021 - 06:07 PM

Naglabas ng babala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko ukol sa ilang pekeng Facebook accounts.

Tinukoy ng kagawaran ang Facebook accounts na “DSWD NEWS AND UPDATE” at “DSWD News And Update 2021.”

Nilinaw ng DSWD na hindi ito opisyal na social media accounts at wala itong kaugnayan sa kagawaran.

Paalala nito, iwasan ang pagtangkilik sa mga pekeng page.

Hinikayat ang publiko na sakaling makakita ng mga katulad na page, agad itong i-report.

Para makakuha ng pinakahuling abiso sa mga programa ng kagawaran, maaring bisitahin ang kanilang website na www.dswd.gov.ph at sundan ang kanilang Facebook at Twitter accounts na @dswdserves.

TAGS: dswd, fake Facebook accounts, Inquirer News, Radyo Inquirer news, dswd, fake Facebook accounts, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.