Tanong ni Binay kay Duterte, “Wala ka bang ina?”
Mariing kinondena ni Vice President Jejomar Binay ang isang video ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na viral at umaani ngayon ng batikos sa social media dahil sa isyu ng ‘rape.’
Sa naturang video, sinabi ni Duterte na tumutukoy sa isang Australian rape victim noong 1989, “nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin ‘yun. Pero napakaganda. Dapat, ang mayor muna ang mauna. Sayang.”
Ayon kay Binay, hindi nakakatawa ang usapin ng rape at murder ng sinumang babae.
Banat ng VP kay Duterte, “wala ka bang ina? Wala ka bang anak na babae?”
Aniya, nakakasuklam ang statement ng alkalde at walang katwiran ang isang manhid na pahayag.
Dagdag ni Binay, isang ‘crazy maniac’ si Duterte dahil sa tilang panghihinayang nito na hindi niya na-rape ang Australian lay minister, at pagyayabang na minolestya ang isang kasambahay.
Malinaw aniya na walang respeto si Duterte kaya hindi nararapat na maging presidente ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.