Hindi umano mga Malaysians kundi Indonesians ang mga dinukot sa Tawi-tawi ng mga armadong lalaki.
Iyan ang paglilinaw ni Major Filemon Tan, ang tagapagsalita ng Western Mindanao Command kung saan pawang mga Indonesian seamen aniya ang mga binihag.
Hindi naman matukoy sa ngayon ng mga otoridad kung anong particular na grupo ang may kagagawan sa pagbihag, pero malakas umano ang kanilang paniniwala na mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group o ASG ang mga ito.
Nabatid na hinarang ng pitung kalalakihan ang dalawang Indonesian flagged tugboats sa Sitangkay, Tawi-Tawi malapit sa border ng eastern Sabah Malaysia.
MOST READ
LATEST STORIES