Stephen Curry nasungkit ang second NBA scoring title

Tumikada ng 46 puntos si Stephen Curry sa kanilang laban kontra Memphis Grizzlies at sapat na ito para makuha niya ang kanyang pangalawang scoring title sa NBA.

 

Tinalo ng Golden State Warriors ni Curry ang Grizzlies, 113-101.

 

Tinapos ni Curry ang regular season na may 32 point scoring average at dikit lang lang 31.1 average ni Bradley Beal ng Washington.

 

Sinabi naman ni Curry na suwerte siya at maraming bukas na tinira na ibingay sa kanya ang kanyang mga kakampi.

 

Unang nakuha ni Curry ang titulo noong 2016 at sila lang ni Michael Jordan ang nakoronahan na ‘scoring king’ na lagpas 33-anyos.

 

Tulad pa din ni Jordan at kasama din sina Kareem Abdul-Jabbar at Wilt Chamberlain, bukod sa multiple scoring titles, may MVP awards ar NBA championship titles din si Curry.

 

Read more...