Isang police staff sergeant, nasawi dahil sa COVID-19

Nasa 69 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (May 17), 21,924 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,407 ang aktibo pang kaso.

85 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 20,456 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 61 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...