Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 163.72 milyon
Pumalo na sa 163.72 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 163,724,238 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,715,951 cases.
Sumunod na rito ang India na may 24,965,463 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 15,627,475 naman ang kaso sa Brazil habang 5,877,787 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,117,374
– Russia – 4,940,245
– United Kingdom – 4,450,777
– Italy – 4,159,122
– Spain – 3,604,799
– Germany – 3,602,939
– Argentina – 3,307,285
– Colombia – 3,118,426
– Poland – 2,854,079
– Iran – 2,751,166
– Mexico – 2,381,923
– Ukraine – 2,153,864
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,393,440 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 143,348,966 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.