Sapat ang suplay ng kuryente sa May 9 elections

By Isa Avendaño-Umali April 17, 2016 - 01:26 PM

suplay ng kuryente
Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Energy o DOE na may sapat na kuryente sa May 9 automated elections.

Gayunman, nakiusap si Energy Secretary Zenaida Monsada sa publiko na limitahan ang kunsumo ng kuryente.

Aniya, batid naman ng DOE na ang mataas na demand ng kuryente ay dahil sa matinding init na dulot ng summer at El Niño phenomenon.

Ayon kay Monsada, may ilang power plants sa bansa ang nasa preventive maintenance na upang matiyak na gagana sila bago at sa mismong araw ng halalan.

Sinabi ni Monsada na ang binabantayan ngayon ay ang deklarasyon ng ‘red alert’ ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Kapag aniya nangyari ito, ang mga private firm na mayroong sariling mga generator ay kailangang sumunod sa Interruptible Load Program o ILP.

Sa ilalim ng program, ang mga pribadong kumpanya ay gagamit ng kanilang generators upang hindi na kumuha pa ng kuryente sa mga power grid.

Nauna nang nagdeklara ng ‘yellow alert’ ang NGCP sa Luzon at Visayas grids dahil sa kakulangan ng energy reserve.

Ang DOE ay naglabas na ng circular para sa pagbuo ng Power Task Force Election (PTFE) 2016, na tututok sa pagtiyak ng sapat na kuryente bago, habang at matapos ang botohan.

TAGS: DOE assured power supply on May 9 elections, DOE assured power supply on May 9 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.