‘Covid relief’ bills target ipasa ng Kamara, ayon kay House Speaker Lord Velasco

By Erwin Aguilon May 17, 2021 - 11:48 AM

Siniguro ng liderato ng Kamara na kaagad nilang ipapasa ang mga mahahalagang panukalang batas upang makatulong sa bansa sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa pagbabalik ng kanilang sesyon ngayong araw.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sa nalalabing tatlong linggo ng second regular session ng 18th Congress ay sisikapin nilang maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang mga COVID-19 relief packages at iba pang kahalintulad na panukalang batas.

Ilan sa mga panukalang batas na target pagtibayin bago magsara ang second regular session ay ang P405.6 Billion Bayanihan 3, Resolution of Both Houses No. 2 o ang economic charter change at panukala na nagkakaloob ng amnestiya sa mga myembro ng armado at rebeldeng grupo na magbabalik loob sa pamahalaan.

Sinabi ni Velasco na nakahanda ang Kamara na talakayin ang mga panukalang batas kasama ang Senado upang matiyak na magiging ganap na batas ito bago man lang mag-adjourn.

Target din na madaliin ang pagapruba sa panukala na layong lumikha ng Philippine Virology Institute at ang medical stockpiling bill na bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Sa Hunyo 5 magsisimula ang sine die adjournment ng Kongreso at magbabalik ang sesyon sa July 26 para sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.