Bayanihan 3, dapat top priority sa pagbabalik-sesyon ng Kamara

By Erwin Aguilon May 17, 2021 - 09:32 AM

Hinimok ni San Jose Del Monte City Representative Rida Robes ang mga miyembro Kamara na magkaisa sa pag-apruba sa panukalang Bayanihan 3.

Sa inihaing House Resolution 1718, iginiit nito na dapat una sa prayoridad sa pagbabalik-sesyon ng Kamara simula ngayong araw ang pagpasa sa nasabing panukala.

Paliwanag ni Robes, ang chairperson ng House Committee on People Participation, marami pang kailangang gawin para matulungan ang mga nawalan ng trabaho at ang mga nagsarang kumpanya dahil sa Covid-19 pandemic.

Sabi ng kongresista, matutugunan ang recession kung maipapasa ang naturang panukala.

“The members of the House of Representatives should unite themselves once again to pass this important and much-needed piece of legislation to address the continuing challenges of the pandemic that threatens to derail the government’s recovery efforts,” saad ni Robes.

Ang Bayanihan 3 na popondohan ng mahigit P405 Billion ay magsisilbing lifeline na siyang tutugon sa pangangailangan ng mahihirap, mga manggagawa at mga industriyang apektado ng pandemya.

Nakapaloob dito ang P216 Billion na ayuda sa mga Pilipino na ibibigay ng dalawang beses na tig P1,000 sa lahat ng mga Pilipino anuman ang estado sa buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.