Proteksyon ng mga local manufacturers ng gamot at iba pang medical supplies pinatitiyak
Nais makatiyak ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na mabibigyan ng proteksyon ang mga local manufacturers ng bakuna, gamot at iba pang medical supplies sa bansa sa oras na maisabatas ang “Health Procurement and Stockpiling Act”.
Giit ito ng kongresista sa Department of Health, kasunod ng pag-apruba sa “approapriation provision” ng panukala matapos na makapasa ito sa Committee on Health noong nakaraang taon.
Hiling ng kongresista na iprayoridad ang domestic market ng bansa at tiyaking mapoprotektahan laban sa mga imported na gamot at mga medical supplies ang mga local manufacturers.
Isa sa tinukoy ng kinatawan ay ang kumpitensya sa pagitan ng imported at locally made na personal protective equipment (PPEs) kung saan mas pinipili ang imported PPEs dahil mura.
Nais ni Vergara na kapag naging batas ang panukal ay malinaw na uunahing ikunsidera ang Philippine made medicines at medical supplies kahit pa mas may kamahalan ito kumpara sa imported na gawa.
Sa ilalim ng “Health Procurement and Stockpiling Act” ay tinitiyak nito ang sapat na suplay at access sa critical drugs, mga gamot, bakuna, aparato, at kagamitan sa oras ng public health emergencies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.