Mag stepfather na suspek sa pagpatay sa dalawang bata sa Bulacan, arestado na

By Erwin Aguilon May 16, 2021 - 10:46 AM

Naaresto na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang bata sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ni PNP Chief,  General Guillermo Eleazar ang dalawang suspek na sina Romeo Ruzon , 41 anyos at stepson nito na isang 17 anyos, at kapit-bahay ng mga biktima.

Ayon kay Eleazar, sumuko ang mga suspek matapos ang ang isinagawang follow- up operation sa krimen.

Inimbitahan ang mga suspek  matapos maging person of interest base sa mga nakuhang ebidensya sa pinangyarihan ng krimen.

Sa gitna ng interogasyon ay inamin ng mga suspek ang pagpatay sa 8 taong gulang na batang lalaki at 11-anyos na babae.

Nakatulong sa imbestigasyon ang mga narekober na goma sa crime scene na gamit sa paggawa ng walis na trabaho ng mga suspek.

Inamin din ng dalawa na hinalay nila ang babaeng biktima bago ito pinatay.

Pinukpok ang mga ito ng matigas na bagay sa ulo na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Hinihintay pa ng PNP ang resulta ng drug test sa mga suspek upang malaman kung sabog droga ang mga ito nang mangyari ang krimen.

Nakakulong na ang dalawa sa San Jose del Monte City PNP detention facility at nahaharap sa kasong rape with homicide at murder.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa bakanteng lote ng Barangay Graceville ng nasabing lungsod noong May 12 bago magtanghali.

Nauna rito, naglabas ng P100,000 na pabuya si San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes para sa makapagtuturo sa mga suspek sa krimen.

 

 

 

TAGS: homicide, Mayor Arthur Robes, Murder, PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, rape, San Jose Del Monte City, homicide, Mayor Arthur Robes, Murder, PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, rape, San Jose Del Monte City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.