Umiiral pa rin ang easterlies sa bansa.
Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng maaalinsangan at mainit na panahon.
Ang Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Makararanas naman ng bahagya maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thurderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Sabi ng weather bureau dulot ito ng easterlies.
Wala namang namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ang araw ay sumikat 5:28 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:17 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.