6,739 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Aabot sa 6,739 ang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa Department of Health, dahil dito, nasa 1,138,187 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Bumaba naman ang active case at nasa 56,709 na lamang.

Ayon sa DOH, 93.4 percent ang mild, 2.2 percent ang asymptomatic, 1.9 percent ang severe at 1.4 percent ang critical condition.

Aabot naman sa 8,952 ang gumaling habang 93 ang bagong bilang ng mga namatay.

Sa kabuuan, nasa 1,062,427 ang gumaling habang 19,051 ang namatay.

 

Read more...