Ika-111 na Malasakit Center binuksan ni Senador Bong Go
Isa pang Malasakit Center ang binuksan ni Senador Bong Go.
Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, ang bagong Malasakit Center sa Margosatubig Regional Hospital sa Margosatubig, Zamboanga del Sur ang ika-111 Malasakit Center sa buong bansa.
Dagdag ng Senador, ang MRH ang ika-limang ospital sa Zamboanga Peninsula na nagkaroon ng Malasakit Center.
Ang Malasakit Centerr ay one stop shop na nagbibigay ng tulong sa mga naoospital. Kabilang na ang ayuda mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.
“I am glad to join you as we open the 111th Malasakit Center in the country here at the Margosatubig Regional Hospital. Gusto ko talaga pumunta riyan sa lugar niyo kaya lang marami pa ang bawal. Ayaw ko naman ipagpaliban ang launch para magamit niyo na ang Malasakit Center, lalo na sa panahon ngayon na maraming tao ang nangangailan ng tulong mula sa gobyerno,” pahayag ni Go.
“Ayaw natin na may mga pasyente na naghihingalo na at wala silang matakbuhan. Hindi katanggap-tanggap ‘yan sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kaya naman, nakiusap tayo kay Secretary Carlito Galvez Jr. para bakunahan na ang mga frontline personnel ng Professional Regulation Commission at makapag-exam na ang mga health graduates natin upang madagdagan kayong mga frontliners,” dagdag ng Senador.
Dagdag ng Senador, pinagsusumikapan din ng pamahalaan ang pagdadagdag ng mga modular hospital sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
“Walang tigil din ang pagdagdag natin ng mga modular hospitals sa iba’t ibang parte ng bansa para may matakbuhan ang ating mga kababayan, lalong-lalo na ‘yung mga severe at critical cases,” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.