(PCG)
Tumaob ang service boat ng Department of Agriculture na maghahatid sana ng mga bakuna kontra COVID-19 sa Real, Quezon.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, naganap ang insidente may 100 metro ang layo mula sa baybaying dagat sa Brgy Ungos.
Dalawang kahon ng COVID-19 vaccines ang karga ng bangka.
Kasama rin sa bangka ang dalawang personnel ng Department of Health, dalawang pulis na nakatalaga sa Municipal Police Station ng Polillo, boat captain at motorman,
Ayon sa nga pasahero, bigla na lamang tumaob ang bangka nang aksidenteng tumama sa concrete post.
Agad namang nasagip ang mga sakay at nailigtas din ang mga bakuna.
Nabatid na aabot sa 720 doses ng bakuna ang ihahatid sana sa Municipal Health Office sa Polillo.
MOST READ
LATEST STORIES