Tatlong close contacts ng OFW na may India variant, nag-positibo sa COVID-19

By Chona Yu May 15, 2021 - 02:45 PM

 

 

Nag-positibo sa COVID-19 ang tatlong close contacts ng isang overseas Filipino worker na nag-positibo sa COVID-19 India variant.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Udersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong verified na 32 close contact ang 58-anyos na lalaking OFW na umuwi ng bansa mula United Arab Emirates.

Tatlo aniya sa naging close contact ng OFW ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, hinahanap pa ng DOH ang dalawang close contacts na nag-positibo rin sa COVID-19.

Nag-negatibo naman aniya ang 28 sa 32 na naka close contacs ng OFW.

Sinabi naman ni Vergeire na anim ang naging close contacts ng isa pang OFW na nag-positibo sa COVID-19 India variant.

Tatlo aniya ang nag-negatibo habang sinusuri pa ng DOH ang sample ng tatlo.

Matatandaang dalawang OFW ang umuwi sa bansa at nag-positibo sa COVID-19 India variant.

 

TAGS: COVID-19, India variant, ofw, Rosario Vergeire, COVID-19, India variant, ofw, Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.