P206 milyong halaga ng cold storage facility ng sibuyas, itatayo sa Nueva Ecija
(DAR photo)
Inilipat n ani Agrarian Secretary John CAstriciones sa pamahalaang bayan ng Talavera sa Nueva Ecija ang pagmamay-ari sa 1.2 ektaryang lupa sa Brgy Bantug Hacienda na magsisiblbing cold storage facility ng sibuyas.
Ayon kay Castriciones, nagkakahalaga ng P206 milyon ang pagtatayo ng cold storage facility.
Kumpiyansa si Castriciones na malaking tulong sa mga magsasaka ang storage facility para maitaas ang kita sa sibuyas at matatanggal na ang mga middlemen na karaniwang bumibili ng kanilang produkto sa napakababang halaga.
“Oras na maitayo ang cold storage facility, hindi na kailangan ng mga magsasaka na ibenta nang agaran ang mga sibuyas nila sa takot na mabulok ang mga ito at mawalan ng saysay ang kanilang paghihirap at pamumuhunan. Maaari nang iimbak ang kanilang mga sibuyas habang mura ang presyo at ibenta kapag bumalik na sa normal ang presyo nito,” pahayag ni Castriciones.
“Sisiguruhin ng pasilidad na ito na magkaroon tayo ng sapat na sibuyas sa buong taon sa buong bansa,” dagdag ng kalihim.
Nabatid na aakuin ng World Bank ang 80 porsiyento ng buong halaga ng proyekto habang sa pamahalaang pambansa at bayan ng Talavera ang natitirang 20 porsiyento.
May kakayahan ang storage facility na imbakan ng 120,000 sako ng sibuyas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.