Manila Prince Hotel sa Maynila, gagawing COVID-19 vaccination site

(Manila PIO)

 

Personal na ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Prince Hotel na magsisilbing vaccination site kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko, ang Manila Prince Hotel sa San Marcelito Street sa Ermita ang magsisilbing ika-19 na vaccination site sa lungsod.

Sinabi pa ni Mayor Isko na tuloy din ang home service vaccination para sa mga bedridden na mga residente.

“Once you have vaccines, you have to deploy them fast. Vaccination should be faster than infection,” pahayag ni Mayor Isko.

“Iyan talaga ang policy namin sa simula pa lang. Hindi na talaga namin pinapatagal sa storage,” pahayag ni Mayor Isko.

Kasabay nito, nagpapasalamat si Mayor Isko sa national government dahil sa mga ibinibigay na bakuna sa lokal na pamahalaan.

“We thank the national government for Manila’s vaccine allocations. We continue to support all their efforts in the fight against COVID-19,” pahayag ni Mayor Isko.

 

 

Read more...