CBCP, nanawagan sa mga Katoliko na magdasal gamit ang rosaryo hanggang sa araw ng eleksyon

By Mariel Cruz April 17, 2016 - 10:19 AM

soc-villegasNananawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na magdasal ng rosaryo hanggang sa araw ng eleksyon.

Panawagan ni CBCP president Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, magdasal gamit ang rosaryo araw-araw hanggang sa eleksyon sa May 9.

Ang kapangyarihan aniya ng rosaryo ang pipigil sa anumang pandaraya na maaaring maganap sa araw ng eleksyon.

Makatutulong din ani Villegas ang pagdadasal ng rosaryo para maging mapayapa at makatotohanan ang darating na halalan.

Nakikiisa si Villegas sa pamamagitan ng pagro-rosaryo araw-araw sa lahat ng mga katoliko sa paglaban sa anumang kasamaan na pipigil sa pagpili ng isang botante sa kanilang gustong iboto.

Paalala ni Villegas, ang pinakamagandang kontribusyon ng bawat isa sa nalalapit na eleksyon ay ang pagdarasal.

TAGS: May 9 elections, May 9 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.